Friday, June 25, 2010

Cinderella Story Ng Ginebra

Eto Yung Post Ko Sa Dati Kong Blog Nung Magchampion Yung Ginebra 2007-2008 Fiesta Conference, ang sarap lang kasing Balik balikan.

Ang Cinerella Story Ng Ginebra
posted: August 21 2008

Sino naman kaya ang mag aakala na makakapagchampion pa ang ginebra ngayong conference?

Sinimulan ng Ginebra ang 2007-2008 fiesta conference ng Philippine Basketball Association ng 0-5 as in walang panalo sa limang laro?, pero hindi naman ako nawalan ng pag asa, alam ko kaya pa nila yan, saka mron pa namang 13 na laro alam ko mananalo rin sila, nakuha nga nila ang kanilang unang panalo sa Purefoods, 1-5 na sila. Akala ko simula na iyon ng sunod sunod na panalo , hindi pa pala dahil yung 2 sumunod na laro natalo sila, nalugmok sila sa ilalim ng standing 1-7 mas mababa pa sa standing ng bago lang na team na welcoat, halos nawalan na ako ng pag asa, hindi na ako umaasa ng championship o kahit makarating man lang ng semis, basta huwag lang matapos ang eliminations nang sila ang kulelat at unang matatangal.

Pero nagkamali pala ako, dahil nanalo sila sa 3 sunod na laro, 4-7 na sila at nalagpasan na nila ang welcoat. Talo sila sa sumunod na laro laban sa Red Bull, bumagsak sila sa 4-8, pro maganda na ang pakiramdam ko sa aking paboritong koponan nararamdaman ko na lumalaban na ulit sila.
Hindi ako nagkamali dahil nanalo sila ng 6 na sunod na laban, naging pangatlo sa standings at nasa automatic quarterfinals berth sa pagtatapos ng eliminations.

Nang dumating ang quarterfinals ay kinabahan talaga ako dahil malakas ang team na makakalaban namin, ang sta lucia na nagchampion nung nakaraang conference, at kulang kami ng isang player si ronald tubid na nagka injury nung last gam namin nung elims, pero na sweep nila ito sa kanilang 8th straight win para makarating sa semifinals.

Pag dating sa semifinals kinabahan pa rin ako dahil red bull ang makakalaban nila, na bukod sa natalo sila dito ng dalawang beses nung eliminations eh madumi rin maglaro itong team na to, pero guess what? na sweep din nila ito. meron na silang 12 game win streak at nakarating na nga sila sa finals, isang bagay na akala ko hindi na nila mararating.

Hindi ako kinabahan sa aming makakalaban sa finals na Air21 kasi tingin ko kayang kaya sila ng ginebra dahil sa ganda ng kanilang nilaro ng mga nakaraang laro. Napanalunan nila ang game 1 at nagkaroon na sila ng 13 game win streak, pero natalo sila sa game 2 ng 34 pts. nagkaroon pa ng injury si jayjay na hindi naglaro simula nun, natalo kami sa sunod na laban, nabaon na naman kami sa 1-2, pero lumaban at nanalo kami nung game 4 kung san naitabla namin ang serye 2-2, natalo ulit kami sa game 5, sa 2-3 na katada sa finals isang panalo na lang ang kalaban at champion na sila muntik na naman akong mawalan ng pag asa dahil pinutakti na ng injury ang aming players at kasama duon ang aming main man na si Caguioa, ipinasa diyos ko na lang ang mangyayari sa kanila.

Nagsimula ang game 6 at naglaro na si Ronald Tubid kahit hindi pa sya 100% 14-0 ang lamang ng air21 sa pagsisimula ng laban, akala ko magchachampion na sila pero hindi sumuko ang mga players at naipanalo pa ang laban para ipantay ang serye 3-3 at makarating sa game 7 decider ng finals.

Maaga pa lang ng martes ay dumaan na ako sa ticketnet at bumili ng ticket, pero naubusan ako ng upper box a na ticket at general admission na lang ang available, binili ko na rin kasi gusto ko talaga mapanuod ang game 7, at malakas ang pakiramdam ko na mananalo kami. Maganda ang naging simula nang Ginebra sa game 7 pero pina dikit ng air21 ang laban hangang 3rd quarter kung saan biglang umarangkada si menk. Subalit di pa natatapos ang problema nila nang ma injure ang isa na namang key player na si Junthy Valenzuela at ma foul trouble ang aming import, humabol ang kalaban at naitabla pa ang score, ngunit sadya talagang astig ang ginebra at hindi na pina score ang kalaban sa last 4:30 minutes ng laro na nagpanalo sa kanila at nagbigay na rin sa kanila ng isa pang kampeonato.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa namin ito kahit maraming pagsubok na dumating sa amin, astig talaga ang ginebra at wala nang papantay pa.

GO GINEBRA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

CHAMPION NA NAMAN!!!!!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment